Mga bandang alas-tres kwarenta'y singko (3:45) ng umaga ay sumakay ako ng bus papuntang Paramount sa may SM North. Merong tatlong babae na sobrang lalakas ng mga boses kung magkwentuhan. Hindi pa yata nila naririnig ang mga katagang "respeto sa natutulog." Kulang na lang ay magkilitian at magtilian na sila sa bus.
Ayon, natahimik sila nung nagtanong yung unang babae kung ano ang magandang pelikulang panooring ngayon. Nagmamalaking sigaw ng pangalawa, "ah maganda yung Rils til." Ganyan ang pag-bigkas niya, nagulat naman ako. Nagtanong ulit yung una, "sinong bida dun?" Sagot ng pangalawa, "ay naku, si Huge Jackman, ang gwapo-gwapo talaga." Tanong ng pangatlo, "tungkol saan naman yun?" Sagot ng pangalawa, "tungkol sa mga laruan, di talaga ako mahilig sa laruan pero maganda ang pagkakagawa ng pelikula. Boksing eh, tapos yung laruan ni Huge, spayring robot. Ang galing nga eh." Bigla akong napangiti. Hindi lang mga pitong beses ko pa narinig ang "Huge" at "spayring" sa usapan nila.
Ang gandang paraan para umpisahan ng umaga.
Baket#1: Baket nga ba nakakatuwang pag-usapan si Huge Jackman?
Wala lang. Huge siya at naglalaro siya ng kanyang spayring robot na laruan. Parang gusto ko na tuloy manood ng Ril stil.
No comments:
Post a Comment